Palasyo sa publiko: Alalahanin ang wika ni Quezon sa gitna ng pandemya
Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na alalahanin ang sinabi ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na manatiling matatag gaya ng puno ng Molave ngayong panahon ng pandemya sa COVID-19.
Ginawa ng Palasyo ang pahayag kasabay ng paggunita sa ika-143 na kaarawan ni Quezon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, napapanahon na alalahanin ang wika ni Quezon.
Ito ay ang maging matatag, malakas, at nakatayo sa anumang hamon sa buhay.
Dapat aniyang gayahin ng mga Filipino ang puno ng Molave na matatag at kumpiyansa sa sarili na kayang labanan ang unos sa buhay.
Nabatid na personal na nagtungo si Roque sa probinsya ng Quezon para personal na makiisa sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating pangulo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.