Limang lugar sa isang village sa Muntinlupa City isinailalim sa hard lockdown

By Jan Escosio August 19, 2021 - 01:18 PM

Ipinag-utos ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang paglalagay sa limang kalye sa isang subdibisyon sa lungsod sa Extreme Localized Community Quarantine (ELCQ) simula ngayon araw.

Nabatid na tatagal hanggang sa Setyembre ang pag-iral ng ELCQ  sa mga kalye ng Angelo, Horrileno, Endencia, Paredes at Barrera sa Katarungan Vill., sa Barangay Poblacion.

Ang hakbang ay base sa nakaka-alarmang attack rate at dumadaming COVID 19 cases sa mga nabanggit na lugar.

Sinabi naman ni City Health Office chief,  Dr. Juancho Bunyi, naobserbahan na hindi nasusunod ang minimum health protocols sa labas ng mga kabahayan sa nabanggit na limang kalsada.

Gayundin aniya maraming residente ang nasa ‘high risk groups,’ mga senior citizens at mga bata na may edad lima pababa, gayundin may mga buntis.

Nabatid na maglalagay na rin ng vaccination area sa Katarungan Village dahil sa nakakaalarmang sitwasyon.

May mga nauna nang lugar sa Barangay Alabang, Barangay Putatan at Barangay Tunasan, ang isinailalim sa ELCQ.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.