Senado, Kamara balik-sesyon na sa susunod na linggo
Mapalawig man ang pagpa-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) o luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila, magbabalik na ang sesyon sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na lilimitahan lang muli nila ang bilang ng mga empleado sa Senate Building bilang bahagi ng kanilang pag-iingat.
Aniya kinakailangan nang matalakay ang mga mahahalagang panukala.
Nang magsimula ang ‘hybrid session’ sa Senado noong nakaraang taon, personal na pinamumunuan ni Sotto ang sesyon at may ilang senador din ang nasa Session Hall.
Kinumpirma na rin ni House Speaker Lord Allan Velasco na magbabalik ang kanilang sesyon simula sa Agosto 23 kahit mapalawig ang ECQ sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay Velasco ‘hybrid’ ang mangyayaring sesyon.
Sinuspindi ang mga sesyon sa dalawang kapulungan nang pairalin ang ECQ muli sa Metro Manila dahil sa lumulubong bilang ng COVID 19 cases at dahil sa banta ng Delta variant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.