Pamamakyaw ng COVID 19 vaccines ng mayayamang bansa kinondena ng WHO

By Jan Escosio August 19, 2021 - 10:27 AM

Pinuna ng World Health Organization (WHO) ang pagmamadali ng ilang mayayaman na bansa na makabili pa ng COVID 19 vaccines para sa ‘booster shots’ ng kanilang mamamayan.

Ayon kay WHO Emergency Dir. Mike Ryan ginagawa ito ng ibang bansa sa kabila na milyon-milyon pa ang hindi nakakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna.

Sinabi din ng mga eksperto ng WHO na wala pang patunay na kailangan na ng booster shots ng mga fully vaccinated.

“Providing them while so many were still waiting to be immunized was immoral,” ang ipinunto ni Ryan, dagdag pa niya; “ we’re planning to hand out extra life jackets to people who already have life jackets, while we’re leaving other people to drown without a single life jacket.”

Una nang nanawagan ang WHO na huwag munang bumili ng karagdagang COVID 19 vaccines para magamit na ‘booster shots’ para hindi naman mapalayo ng husto ang hindi pantay na distribusyon ng mga bakuna sa mga mayayaman at mahihirap na bansa.

Matigas ang US na bumili pa ng mga bakuna sa katuwiran na ang bisa ng bakuna ay nababawasan sa paglipas ng panahon at matindi ang banta ng Delta variant.

Sisimulan ang pagturok ng ‘booster shots’ sa US citizens sa darating na Setyembre 20.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.