Halaga ng mga transaksyon sa accounts ni Duterte, aabot sa P2.4B

By Kathleen Betina Aenlle April 29, 2016 - 04:44 AM

LYN RILLON | Inquirer
LYN RILLON | Inquirer

Hindi pa natatapos ang mga pagsisiwalat ni Sen. Antonio Trillanes tungkol sa mga umano’y tinatagong yaman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ibinunyag kasi ni Trillanes ang mga records ng bank transactions ni Duterte kung saan lumalabas na may daan-daang milyong piso ang umiikot sa kaniyang mga accounts.

Base sa mga dokumentong inilabas ni Trillanes, sa loob ng siyam na taon, aabot sa P2.407 bilyon ang mga transaksyon sa 17 accounts ni Duterte sa tatlong bangko, dalawa sa Metro Manila at isa sa Davao.

Mula 2006 hanggang 2015, mayroong pitong joint accounts si Duterte at kaniyang anak na si Sara sa Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Julia Vargas, Pasig City, siyam na joint accounts sa BPI EDSA Greenhills, at isang joint account sa Banco de Oro Unibank-1 sa Davao City.

Sa BPI Julia Vargas pa lamang, nakatanggap na ang mag-ama ng kabuuang deposits at transfers na nagkakahalagang P1.74 billion, habang P667.24 million naman na kabuuang deposits sa BPI EDSA Greenhills at P534,989.75 sa BDO–Unibank (Account No. 1370020471).

May kabuuang 71 din ang bilang ng lahat ng mga deposits at transfers sa tatlong nasabing bangko, at 23 dito ay mga interbank transfers habang ang 48 ay pawang mga credit memos.

Aabot sa P715.9 million ang total interbank transfers habang ang mga idinaan naman sa credit memos ay umabot sa P1.69 billion.

Sa BPI Julia Vargas at EDSA Greenhills, may naitalang 48 deposits na nagkakahalagang P1.7 billion kabilang na ang isang deposit na $1.9 million.

Ang pinakamataas na deposito sa mga BPI branches ay P55,131,747.32 at ang pinakamababa ay P953,511.29.

Ipinakita rin sa mga bank records na ito na ilang transaksyon sa dalawang magkaibang account na may pare-parehong halaga ang ginawa sa iisang araw lamang.

Halimbawa dito ay ang P49.28 milyong deposito sa dalawang magkaibang account sa BPI EDSA Greenhills noong May 22, 2007.

Ang mga accounts sa BPI Julia Vargas ay may laman na P227.41 million, taliwas sa unang naiulat na P221 million, pero hindi ito kasama sa SALN na ibinigay ni Duterte sa Office of the Ombudsman noong April 30, 2015.

Lahat ng accounts ng mag-ama maliban lamang sa BDO Unibank ay may mga address na Ecoland Subdivision sa Davao City at P. Guevarra St. sa San Juan City sa Metro Manila.

Una nang itinanggi ni Duterte ang mga accounts niya sa BPI Julia Vargas ngunit inamin niya rin nitong Huwebes na mayroon siyang dalawang accounts sa nasabing branch.

TAGS: duterte bank accounts, Rodrigo Duterte, sen antpnio trillanes iv, duterte bank accounts, Rodrigo Duterte, sen antpnio trillanes iv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.