Higit 300,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, dumating sa bansa
Dumating na sa Pilipinas ang mahigit 300,000 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer, Miyerkules ng gabi (August 18).
Pasado 8:30 ng gabi nang lumapag ang eroplanong may dala ng 313,560 doses ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sinalubong nina vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. at U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law ang pagdating ng naturang bakuna.
Nauna namang ibinaba ang 51,480 doses na diretsong ipadadala sa Cebu.
Sa kabuuan, 365,040 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer ang dumating sa bansa sa araw ng Miyerkules.
Ang naturang batch ng mga bakuna ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.