14th month pay ng mga empleyado ng gobyerno, malapit nang ipamigay

peraInanunsyo na ng Department of Budget Management (DBM) na makukuha na ng mga kawani ng gobyerno ang kanilang mga midyear bonus o 14th month pay sa Mayo.

Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad na batay sa Executive Order No. 201 na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Pebrero, makakatanggap ng 14th month pay ang mga empleyado ng pamahalaan na katumbas ang isang buwang basic salary.

Nakasaad sa EO 201 ang pagtaas ng sahod ng mga sibilyang empleyado, pati na ang bago at nadagdagang allowance para naman sa mga military at uniformed personnel.

Matatanggap ito ng parehong mga sibilyang empleyado at mga militar sa darating na May 15.

Hindi naman naalis ang yearend bonus na nagkakahalaga ng isang buwang sweldo na may kasama pang cash gift na P5,000 na ayon sa DMB, matatanggap ng mga empleyado mula November 15.

Hindi naman makakasama dito ang mga empleyado ng government owned and/or controlled corporations dahil mayroon silang hiwalay na Compensation and Position Classification System o CPCS.

Ayon sa DBM, layon ng nasabing executive order na matapatan ang kompensasyon na inaalok sa mga pribadong kumpanya upang maengganyo at mapanatili ang mga magagaling na civil servants sa pamahalaan.

Read more...