Pagdating ng mga kargamento mula sa China, naantala dahil sa COVID-19

PPA Facebook photo

Hinikayat ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga Philippine-based importers at exporters na magpatupad ng mga kinakailangang operational adjustments.

Nagkakaroon kasi ng pagkaantala sa pagdating ng mga kargamento mula sa China dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang pantalana sa naturang bansa bunsod ng COVID-19.

Sinabi ng PPA na ang maagang preparasyon ang susi upang mabawasan ang negatibong epekto nito sa overall daily operations.

Kamakailan, ipinagpatuloy sa ika-pitong sunod na araw ang pagsasagawa ng Ningbo Port, ikatlong pinakamalaking container port, bunsod ng mas nakakahawang sakit na Delta variant.

“We need to prepare. Eventually, the delays in cargo shipments will catch-up with us due to the congestion being experienced in these transshipment ports,” pahayag ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago said.

Diin nito, “We are encouraging all importers and exporters to take the necessary steps to adjust and secure their operations to mitigate the impact of the slowdowns or partial closures of the big ports in their overall operations.”

Samantala, nakakapag-operate nang maayos ang mga major port getaway sa bansa, kabilang ang Manila International Container Terminal at Manila South Harbor.

Pagdating sa dumadating na kargamento, umaabot sa 12,000 20-foot equivalent units ang average foreign cargoes ang natatanggap sa mga pantalan.

“PPA assures the shippers that Philippine ports, can handle the bulk of the delayed shipments when condition at the transshipment ports start to normalize,” paliwanag ni Santiago.

Read more...