Bilang ng mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2021-2022, sumampa na sa 5-M
Sumampa na sa limang milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2021-2022.
Base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) sa araw ng Miyerkules, August 18, nasa 5,000,177 ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 395,717 enrollees sa public; 45,562 sa private; habang 1,571 naman sa SUCs/LUCs.
Pinakamaraming naitalang papasok na estudyante sa Region 4-A na may 603,484 enrollees.
Sumunod dito ang Region 3 na may 403,432 enrollees, at National Capital Region na may 375,374 enrollees.
Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.