Industriya ng gatas sa bansa nais pasiglahin ni Sen. Cynthia Villar
Para mapaunlad ang ‘dairy industry’ sa bansa, inanunsiyo ni Senator Cynthia Villar ang pagpapatayo niya ng isang Dairy School sa loob ng Villar Farm School compound sa Las Piñas City – Bacoor City.
Sinabi nito na iaalok sa planong eskuwelahan ang libreng carabao and dairy training programs sa lahat ng mga interesadong magsasaka.
“This would stimulate milk production and dairying in cooperation with the Philippine Carabao Center and the National Dairy Authority,“ sabi nito.
Ayon sa senadora ang industriya ay maaring maging alternatibo o dagdag na mapapagkuhanan ng kita ng mga magsasaka at sa mga komunidad.
Tiwala din ito na ang Dairy School ang magiging daan para sa mas malusog na mga Filipino.
“And if we are to source our fresh milk and fresh milk-based products from local dairy farmers and cooperatives, we are creating markets, which, if sustained, will eventually develop and boost our local dairy industry,” punto niya.
Nabatid na 99 porsiyento ng pangangailangan sa gatas ng Pilipinas ay mula sa ibang mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.