Walang banta ng tsunami matapos ang M7.1 na lindol sa Vanuatu – Phivolcs

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa Vanuatu, Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng ahensya na yumanig ang malakas na lindol sa nasabing lugar dakong 6:10 ng gabi.

May lalim ang lindol na 84 kilometers.

Wala namang napaulat na agarang pinsala sa naturang bansa.

Read more...