QC LGU, sinimulan na ang home delivery ng business permits

By Angellic Jordan August 18, 2021 - 02:39 PM

QC LGU photo

Naglunsad ang Quezon City government ng sistema upang maipadala ang business permit sa mismong address ng mga aplikante.

Sa pamamagitan ng Automatic Document Delivery System (ADDS) sa ilalim ng Business Permits and Licensing Department (BPLD), lahat ng nakumpletong permit ay ipapabada na sa bahay ng may-ari.

“Before, applicants have to set an appointment or book a courier service at their expense just to pick up their business permits. Now, we have already partnered with Airspeed that will do the delivery for them for free and for their convenience,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Matapos isumite ng mga aplikante ang unified application form at lahat ng kinakailangang requirements sa QC E-services, sasailalim sa evaluation ang mga dokumento at ibeberipika ng BPLD, Zoning Administration Unit, City Assessor’s Department at iba pang departamento.

Ilalabas ang mga aprubadong permit sa Business One-Stop-Shop (BOSS) at saka dadalhin sa ADDS.

Ihihiwalay ng ADDS ang mga dokumento para sa filing at delivery, ipi-print ang KyusiPass, at ie-encode ang mga dokumento na handa nang ipadala saka ipi-print ang unique QR code kasama ang address ng tatanggap nito.

Matapos ang naturang proseso, ibibigay na ang mga dokumento sa nakatalagang driver upang maipadala.

“Bago namin i-release ‘yung permit, mayroon kaming checklist at sinisiguro namin na kumpleto ang ipapadala nating documents sa mga business owner. Halimabawa, kapag ipipapadala natin ang permit para sa new business, dapat included sa envelope ‘yung mismong permit, plate, Kyusipass, original official receipt, at tax bill,” paliwanag ni BPLD chief Ma. Margarita Santos.

Maliban sa physical copy ng permit, maglalabas din ang BPLD ng electronic copy ng dokumento oras na maapruba ang aplikasyon ng negosyante.

Kayang makapaglabas ng QC LGU ng 200 hanggang 250 business permits kada araw.

Para sa mga nais mag-apply, maaring pumunta sa qceservices.quezoncity.gov.ph

TAGS: ADDS, Automatic Document Delivery System, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, ADDS, Automatic Document Delivery System, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.