Pagbibigay ng libreng sakay sa mga APOR sa railway lines, tuluy-tuloy pa rin
Malapit nang umabot sa 900,000 ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.
Sa datos noong August 17, nasa 76,209 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.
Sa nasabing bilang, 13,390 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 57,981 sa MRT-3 habang 4,838 naman sa PNR.
Dahil dito, umabot na sa 898,745 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.
Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.
Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.