Pagbaba ng quarantine status sa Metro Manila, inirekomenda

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Inirerekomenda ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa na panahon na para luwagan at ibaba ang quarantine status sa Metro Manila pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa August 20.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinuportahan ni Herbosa ang mungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) na ilagay na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila sa susunod na linggo.

Pero ayon kay Herbosa, dapat na paigtingin naman ng local government units ang localized testing kasama na ang testing at tracing sa mga nakasalumuha sa mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa ganitong paraan aniya, hindi mapapahamak ang isang buong lugar at magkakaroon lamang ng clustering.

Kung oobserbahan aniya, bumababa na ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa sa mga nakalipas na araw.

Mula kasi sa mahigit 14,000 cases na naitatala kada araw noong nakaraang linggo, nasa 10,000 cases na lamang ang naitala nitong mga huling araw.

Ayon kay Herbosa, nakatulong sa pagbaba ng kaso ang ipinatupad na ECQ sa Metro Manila.

Read more...