COVID-19 vaccination drive sa bansa, lalo pang palalakasin

By Chona Yu August 18, 2021 - 02:05 PM

Manila PIO photo

Lalo pang palalakasin ng Palasyo ng Malakanyang ang COVID-19 vaccination drive sa bansa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos lumabas ang resulta ng survey ng Social Weather Station na 68 porsyento sa 1,200 adult na Filipino ang nagsabing nagkaroon sila ng madaling access sa vaccination sites sa kani-kanilang lugar.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang malawakang pagbabakuna para makamit ang population protection at tuluyang magapi ang pandemya.

Ayon kay Roque, kaya nasabi ng taong bayan na nagkaroon sila ng madaling access sa bakuna dahil sa pagsasanib puwersa ng ehekutibo, lokal na pamahalaan, major stakeholders, private sectors at iba pa.

Aminado si Roque na pag-iigihan pa ng pamahalaan para maging maayos ang pagbabakuna.

“While much has been achieved since we began, we recognize that much more needs to be done. The same SWS survey reveals that there are areas that still have no access to a vaccination site and/or have a slow pace of vaccination,” pahayag ni Roque.

Bagamat, mayorya ang nagsabing madali ang access sa bakuna, 50 porsyento naman sa mga respondent ang nagsabing mabagal ang vaccination rollout.

“We are likewise undertaking initiatives, together with our partnership with the LGUs and the private sector, such as having malls as vaccination sites, drive-thru vaccination, bakuna all day/night, house-to-house vaccination to inoculate the elderlies and vulnerable, to reach more people,” pahayag ni Roque.

Ayon kay Roque, pagsusumikapan pa ng pamahalaan na makabili ng mga dagdag na bakuna at kunin ang serbisyo ng pharmacists at medical intern para madagdagan pa ang personnel o vaccinators.

Gagamitin na rin aniya ng pamahalaan ang barangay health centers bilang vaccination sites.

Isinagawa ng SWS ang survey noong June 23 hangang 26.

TAGS: COVIDvaccination, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews, COVIDvaccination, HarryRoque, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.