Leyte Rep. Lucy Torres – Gomez laban-bawi pa sa 2022 senatorial bid

Isang araw matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa mga ikinukunsidera ng PDP-Laban sa kanilang senatorial line-up, nilinaw ni Leyte Representative Lucy Torres – Gomez.

Sa inilabas na pahayag ng kanyang kampo, inamin ni Torres – Gomez na wala pa siyang desisyon ukol sa kanyang plano sa papalapit na eleksyon.

“While I am keeping my options open in terms of running for higher office, I have yet to decide if I should do that or stay in Ormoc and serve my hometown,” sabi nito.

Kinumpirma din niya ang pakikipag-usap kay Senate President Vicente Sotto III at aniya tinanong siya nito kung interesado siya sa binubuo nila ni Sen. Panfilo Lacson na ‘senatorial line-up.’

Sina Lacson at Sotto ang unang nag-anunsiyo ng kanilang pagsabak sa presidential at vice presidential race sa susunod na taon.

Aniya itinuturing niyang malaking karangalan ang mapasama sa grupo nina Lacson at Sotto bagamat miyembro siya ng administration party.

Sinabi pa ng mambabatas na darating din ang tamang panahon para isapubliko niya ang kanyang desisyon.

Read more...