Pacquiao naghigpit na ng seguridad laban sa Abu Sayyaf

By Den Macaranas April 28, 2016 - 08:31 PM

Manny pacquiao
Inquirer file photo

Inamin ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao na nabigla siya sa sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na balak siyang dukutin ng Abu Sayyaf Group.

Sa isang interview, sinabi ni Pacquiao na dapat ay sinabi sa kanya ng Pangulo ang nasabing banta imbes na sa publiko pa niya nalaman ang nasabing balak ng bandidong grupo.

“Sa akin lang, kung iyan ang talagang intelligence report dapat sinabi sa akin ng sikreto at hindi i-aannounce at sabihin sa akin in advance. May doubt pa rin ako pero di naman natin binabalewala. I doubt na magagawa ‘yan ng mga brother Muslims natin”, ayon kay Pacquiao.

Aminado naman ang Pambansang Kamao na naghigpit na sila ng seguridad pati na rin ang kanyang mga anak.

Gayunman, sinabi ni Pacquiao na nakahanda pa rin siyang tumulong sa mga Muslim at wala naman siyang pinipili basta’t nangangailangan.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na pinagpa-planuhan ng Abu Sayyaf ang ilang mga personalidad tulad ni Pacquiao at ng kanyang kapatid na si Kris Aquino.

TAGS: Abu Sayyaf, Aquino, kris, Pacquiao, Abu Sayyaf, Aquino, kris, Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.