Palasyo hugas-kamay sa senatorial line-up ng PDP-Laban
Dumistansya ang Malakanyang sa inilabas na senatorial line up ng PDP-Laban para sa 2022 national elections kung saan kasama ang ilang sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque abala ang gobyerno sa sa pagtugon sa pandemya.
Napabilang sa ikinukunsidera sa line-up sina Roque, Transport Sec. Arthur Tugade, Labor Sec. Silvestre Bello III, Cabinet Sec. Karlo Nogales,, Presidential chief legal counsel Salvador Panelo, Public Works Sec.Mark Villar, PACC Comm. Greco Belgica, Agrarian Reform Sec. John Castriones at Informations and Communications Technology Sec. Gringo Honasan.
Ayon kay Roque, hahayaan na lamang ng Palasyo ang PDP-Laban na tumugon sa usaping pulitika.
“Hahayaan ko na muna po iyan, dahil ngayon po ay nakatutok pa ako personal dito sa COVID response ng ating gobyerno at sa ating COVID communication. Pero, I will let the PDP-Laban answer that question po kung sino iyong mga naiisip nilang patakbuhin,” pahayag ni Roque.
Bukod sa mga miyembro ng gabinete, kasama rin sa senatorial line up ng PDP-Laban sina Quirino governor Dax Cua at Leyte Rep. Lucy Torres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.