Buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.
Ito ay sa kabila ng panibagong kontrobersiya na kinasasangkutan ni Duque kaugnay sa obserbasyon ng Commission on Audit sa P67 bilyong COVID fund ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa kanyang pagkakaalam, patuloy na pinagkakatiwalaan ng Pangulo si Duque.
“All Cabinet members serve at the pleasure of the President and Secretary Duque, according to the President last night continues to have his full trust and confidence,” pahayag ni Roque.
Una nang sinabi ng Pangulo na batid niyang gusto nang magbitiw ni Duque sa kanyang puwesto subalit hindi niya ito tatanggapin sa katuwiran na imposibleng magnakaw ng P67 bilyon ang kalihim.