Bilang ng enrollees para sa S.Y. 2021-2022, umabot sa 4.7-M

By Angellic Jordan August 17, 2021 - 07:14 PM

Umabot sa 4.7 milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) sa araw ng Martes, August 17, nasa 4,777,942 ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Kombinasyon ang naturang datos ng early registrations at LIS – quick counts.

Pinakamaraming naitalang papasok na estudyante sa Region 4-A na may 533,722 enrollees.

Sumunod dito ang Region 7 na may 411,772 enrollees, at Region 6 na may 399,130 enrollees.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.

TAGS: DepEdenrollment, DepEdPhilippines, DepEdTayo, InquirerNews, RadyoInquirerOnline, SulongEdukalidad, SY2021-2021, DepEdenrollment, DepEdPhilippines, DepEdTayo, InquirerNews, RadyoInquirerOnline, SulongEdukalidad, SY2021-2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.