35 Filipino mula Afghanistan, nakauwi na ng Pilipinas

By Angellic Jordan August 17, 2021 - 04:38 PM

Nakauwi na ng Pilipinas ang 35 Filipinos mula sa Afghanistan na na-evacuate ng kani-kanilang kumpanya sa Doha, Qatar.

Sa situation bulletin ng Department of Foreign Affairs (DFA) bandang 4:00 ng hapon, naisama ang 35 Filipinos sa charterted plane ng kagawaran mula Doha patungong Maynila.

Nakarating ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang grupo sa araw ng Martes, August 17.

Ito ang unang batch ng na-repatriate na Filipino mula sa Afghanistan.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang DFA sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation sa Afghanistan.

TAGS: afghanistan, DFArepatriation, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RepatriatedFilipinos, afghanistan, DFArepatriation, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RepatriatedFilipinos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.