Sa unang araw ng Bakuna sa Gabi program ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa sa Barangay Cupang Health Center, higit 1,000 ang nabakunahan ng proteksyon laban sa COVID-19.
Sa tatlong oras na extension ng vaccination rollout, mula 7:00 hanggang 10:00, Lunes ng gabi (August 16), kabuuang 1,043 ang nabakunahan mula sa inisyal na target na 700.
Sa datos, 601 ang nasa A-4 Category o essential workers, 561 na residente ng Barangay Cupang at 23 ang mga taga-ibang barangay ng lungsod.
Ayon kay Dra. Glyn Pablo mula sa Cupang Health Center, nagkaroon din sila ng stand-by o substitute list para sa mga maaring mabakunahan kapalit ng mga hindi matawagan na mga residente ng barangay.
Sa ganitong paraan aniya ay nakakatiyak na magagamit ang lahat ng inilaan na doses ng COVID-19 vaccine.
Itinakda ang Bakuna sa Gabi sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes.