Tuluy-tuloy ang konstruksyon ng Lawton Avenue hanggang Global City viaduct section ng Bonifacio Global City (BGC)-Ortigas Center Road Link Project.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, minamadali na ang konstruksyon ng proyekto sa 8th Avenue ng BGC upang maabot ang target completion sa buwan ng Setyembre.
Aniya, oras na matapos ang proyekto, makakagaan ang biyahe ng mga motorista sa pagitan ng Ortigas at BGC.
Nag-inspeksyon ang kalihim kasama si Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil Sadain, UPMO-Roads Management Cluster 1 (Bilateral) Project Director Benjamin Bautista at Project Manager Ricarte Mañalac sa naturang proyekto, araw ng Martes (August 17).
Ayon kay Sadain, natapos na ang deck slab ng main viaduct mula sa pier 13 hanggang pier 22 habang nagpapatuloy ang pagkakabit ng deck slab reinforcements sa pier 22 hanggang abutment 3 kasama anh median, sidewalk and parapet reinforcements.
Kahit nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine, puspusan pa rin ang pagtatrabaho ng DPWH at contractor na Persan Construction Inc. sa kahabaan ng 8th Avenue mula Kalayaan Avenue intersection kasabay ng pagtalima sa health and safety protocols.
Oras na matapos ang Lawton Avenue hanggang Global City Viaduct section, magkakaroon na ng direktang access mula Ortigas Center patungo sa Kalayaan Bridge papuntang Bonifacio Global City.
Mula sa isang oras, inaasahang bababa sa 12 minuto ang travel time sa pagitan ng BGC at Ortigas Center kapag nakumpleto na ang buong 1.481-kilometer BGC-Ortigas Road Link Project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.