11 buwang sanggol sa Cagayan, nasawi dahil sa COVID-19
Pumanaw ang 11 buwang sanggol sa Sta. Praxedes, Cagayan dahil sa COVID-19.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Sta. Praxedes sa pamilya ng sanggol.
Samantala, mahigpit nang ipinatutupad ang “no to home quarantine” sa naturang bayan.
Sinabi ni Mayor Esterlina Aguinaldo na wala silang home quarantine ngayon at lahat ng 22 COVID-19 positive cases ay nasa Municipal Isolation Units.
Nasa barangay isolation unit naman ang mga firsy level contact ng mga positibo sa nakakahawang sakit habang nasa eskwelahan na ginawang extension isolation units naman ang mga second level contact na naghihintay ng swab test result.
Saad ng alkalde, mas mabuti nang i-isolate ang mga naghihintay ng resulta upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus.
Nagpatupad na rin ng zonal lockdown sa Barangay Capaccuan na mayroong 21 positibong kaso.
Mahigpit ring ipinapatupad sa border checkpoint ang “No Antigen Test/ No RT-PCR Test result” sa mga pumapasok sa nasabing bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.