Off-site training facility ng PPA, nakumpleto na
Natapos na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang renovation at pagpapabuti ng kanilang training facility kung saan maaring maisagawa ang executive ang management planning sessions at iba pang capacity-building initiatives upang makabawas sa gastusin.
Magsisilbi ang naturang pasilidad bilang venue ng PPA sa mga nagpapatulog na training ng port police force.
Paliwanag ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago, isinagawa ang rehabilitasyon ng training facility sa San Fernando, La Union para mabawasan ang mga gastusin sa management meetings at planning sessions, at iba pang seminars na kailangan ng kanilang mga empleyado
“Annually, PPA is spending a significant amount of its budget in paying for rental fees on venues for organizational events, conferences, and planning sessions, among others. With this improved training facility, it will provide the agency further financial flexibility as most training, events, conferences, and the like requiring offsite venues can now be held in the agency-owned training facility,” saad nito.
Dagdag pa ni Santiago, “Wellness seminars and other team-building sessions of PPA employees can also be held in this facility free-of-charge instead of renting other appropriate venues.”
Maari rin aniyang magamit ang pasilidad bilang source of income mula sa rental fees na bukas sa mga local government unit, iba pang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor sa rehiyon.
Umabot sa P10 milyon ang inilaang pondo para sa modernization ng training center.
Mayroon na itong swimming pool, guest rooms, at multi-purpose function room.
Dahil sa tumaas na guest capacity, naglagay din ng upgraded electrical system sa pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.