Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ng BI Fugitive Search Unit (FSU) na nanatili silang aktibo sa paghahanap at paghuli sa mga dayuhang pugante na nagtatago sa Pilipinas sa kabila ng pandemya.
Kaunti lamang ang ibinaba ng nahuling pugante mula Enero hanggang Hunyo kumpara sa naarestong 32 dayuhan sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
“While admittedly we had much difficulty as our field operatives face exposure to virus, our officers remain steadfast in their duty to cleanse the country of these unwanted aliens,” pahayag ni Morente.
Ayon kay BI FSU Chief Rendel Sy, karamihan sa mga natimbog na pugante ay nai-deport na at nagsisilbi na ipinataw na sentensya dahil sa kanilang mga kaso.
Inilagay din ang mga dayuhan sa blacklist ng BI upang hindi na muling makapasok sa bansa.
Kabilang sa mga nahuli ang 19 South Koreans, apat na American, at tig-iisang Japanese, French, Italian, Polish, at Bahraini national.