Nasa 176 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (August 17), 32,631 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,985 ang aktibo pang kaso.
157 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 30,550 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Apat naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 96 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.