Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 4.38 milyon na

AFP photo

Lagpas 4.38 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,383,898 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 638,798.

Sumunod na rito ang Brazil na may 569,581 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 432,112 naman ang death toll sa India habang 248,652 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 197,487
– Russia – 171,305
– United Kingdom – 130,979
– Italy – 128,456
– Colombia – 123,580
– Indonesia – 118,833
– France – 112,753
– Argentina – 109,105

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 208,708,387 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 187,101,925 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...