Duterte sa COA: Itigil ang pag-audit sa mga ongoing project ng gobyerno
(Palace photo)
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit na itigil na ang flagging sa mga government transactions at pagsasapubliko ng mga report.
Ayon sa Pangulo, ito ay dahil sa agad na nababahiran at napagduduhan na mayroong korupsyon ang proyekto kahit na kulang lang naman sa pagsusumite ng mga dokumento.
“Stop that flagging, g**d*** it. You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. The flagging is spelled f-l-a-g-g-e-d. Ang ginagawa ninyo is f-l-o-g-g-i-n-g. Flogging, hampas. Eh huwag naman sige kayong flag nang flag. Tapos wala namang napreso, wala naman lahat. And yet you know that when you flag, there is already a taint of corruption by perception. You cannot… You know, this COVID-19 will never be won by the way you are also behaving,” pahayag ng Pangulo.
Ikinadidismaya ng Pangulo ang pag-flag ng COA sa P67 bilyong COVID fund ng Department of Health.
Sinabi pa ng Pangulo na panay flag lamang ang ginagawa ng COA pero wala namang nakukulong.
“You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. The flagging is spelled f-l-a-g-g-e-d. Ang ginagawa ninyo is f-l-o-g-g-i-n-g. Flogging, hampas. Eh huwag naman sige kayong flag nang flag. Tapos wala namang napreso, wala naman lahat. And yet you know that when you flag, there is already a taint of corruption by perception. You cannot… You know, this COVID-19 will never be won by the way you are also behaving,” pahayag ng Pangulo.
Hindi aniya dapat na magsagawa ng audit ang COA kapag ongoing pa ang isang proyekto.
Kapag kasi aniya nailalabas sa media na may kaduda-dudang transaksyon mistulang nagiging gospel truth na ito sa isipan ng publiko.
“So you need to correct. Hindi naman kasi ito COA eh. If COA were the ones preparing the document, tapos we just implement, eh ‘di madali. Nandiyan na lahat ng gusto nila. Ito ngayon ‘yung may audit sila, preliminary audit nila, tapos mag-exit conference sila, at tapos ire-release nila ‘yan. Iyang papel na ‘yan na preliminary audit, ‘pag inilabas mo ‘yan doon sa media, it becomes the gospel truth. So you are now which something like may suspicion na kaagad,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.