Sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon na walang makakapilit kay Pangulong Duterte na alisin sa puwesto Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng mga obserbasyon ng Commission on Audit (COA).
“These are decisions that a political leader would have to answer when election time comes. But you cannot compel the President to dismiss a cabinet member, notwithstanding the call of everyone, because that is the nature of our system,” sabi ni Drilon.
Kagabi, dinipensahan muli ni Pangulong Duterte at sinabi na walang mali sa naging paggamit ng DOH sa pondo sa pakikipagharap sa pandemya.
Gayunpaman, nilinaw pa rin ni Drilon na hindi pa lusot si Duque sa naging obserbasyon ng COA.
Ipinunto ni senador na sa pahayag ng COA, hindi masasabi na base sa audit findings ay may korapsyon sa paggamit ng pondo, ngunit aniya malinaw pa rin na may pagkukulang sa paggamit ng pondo.
Diin ni Drilon ito ay bunga ng kakulangan ng kakayahan ng pamumuno.
Bukas sa Senate Blue Ribbon Committee ay inaasahan na muling masusukat ang kakayahan ni Duque na pamunuan ang DOH.
Magugunita na noong nakaraang taon, naghain pa ng resolusyon sa Senado at hiniling ang pagbibitiw ni Duque matapos kuwestiyonin ang kanyang kakayahan.