Smart City reclamation project sa Dumaguete kinukwestyun, Chinese construction company walang lisensya
(Courtesy: Dumaguete City government/Inquirer)
Kinuha bilang subcontractor ang isang Chinese construction company para sa 174-ektaryang reclamation project sa Dumaguete.
Ito ay kahit na walang license to operate ang Poly Changda Overseas Engineering Company na nakabase sa Guangdong, China.
Ayon kay Attorney Golda Benjamin, isa sa mga tumutol sa proyekto,kinuha ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete ang EM Cuerpo Incorporated para isang private-public partnership para sa pagpapatayo ng P23 bilyong project na Smart City sa Dumaguete.
Nakipag-partner ang EM Cuerpo sa naturang Chinese firm kahit na walang license to operate.
Nabatid na ang Smart City ang magiging commercial at residential area sa Dumaguete.
Pagtatayuan ito ng mga mall, condominiums, hospitals, business hubs, sports facilities at docking port.
Pinangangambahan ni Benjamin kung sa kalaunan ay ibenta ng EM Cuerpo ang Smart City sa mga negosyanteng Chinese para gawing casino at offshore gaming operators o mga pasugalan nang hindi man lang kinukuha ang mga taga-Dumaguete bilang mga workers o manggagawa.
Isa rin sa kinukwestyun ni Benjamin ang confidentiality ng proyekto.
Ayon kay Benjamin, nangangamba siya na gawing extension na rein ng teritoryo ng China ang Dumaguete.
Nakakabahala rin ayon kay Benjamin dahil ang gagawing reclamation site ay isang seafront na mayaman sa marine life.
Pero ayon sa lokal na pamahalaan, wala namang masisirang yamang dagat sa naturang proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.