Inamin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mayroon siyang deposito sa Bank of the Philippine Islands (BPI) Julia Vargas branch tulad ng naging akusasyon ni Sen. Antonio Trillanes.
Pero hindi tulad ng pahayag ni Trillanes na P211 Million secret bank accounts, sinabi ni Duterte na ang kanyang dalawang bank accounts sa nasabing bangko ay naglalaman ng P50,000 at P17,000 lamang.
Nauna nang sinabi ni Trillanes na noong nakalipas na taon pumasok ang milyong pisong halaga ng pera sa bank account ni Duterte kasabay ng kanyang 69th birthday.
Hinamon din ni Trillanes si Duterte na pumirma sa isang waiver para atasan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na kalkalin ang kanyang mga deposito sa bangko.
Sinabi pa ni Trillanes na magbibitiw sila sa pwesto bilang Senador kapag napatunayan ni Duterte na mali ang kanyang mga akusasyon tungkol sa tagong bank accounts ng pambato ng PDP-Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.