16 NPA rebels patay sa engkuwentro sa Eastern Samar
Kinumpirma ng AFP na 16 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang namatay sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno sa Dolores, Eastern Samar.
Ayon kay Colonel Ramon Zagala, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nagsimula ang engkuwentro alas-4 ng madaling araw kahapon nang masorpresa ng mga tauhan ng Joint Task Force Storm ng Army 8th Infantry Division ang mga rebelde sa kanilang kuta sa Barangay Osmeña.
Nabatid na abala ang mga rebelde sa paggawa ng mga improvised explosive devices (IEDs) nang magsimula ang pagpapalitan ng mga putok ng dalawang puwersa.
Sinabi pa ni Zabala na mga residente ang nagbigay ng impormasyon ukol sa presensiya ng mga rebelde.
Nakarekober ng 29 ibat-ibang uri ng mga baril mula sa napatay na rebelde, ayon pa kay Zagala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.