Lalaki patay sa sunog sa Valenzuela City

By Chona Yu August 17, 2021 - 08:16 AM

Patay ang isang lalaki matapos masunog ang pabrika sa Brgy. Paso de Blas, Valenzuela City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado 4:00 kaninang umaga sa Gilvan Packaging Corporation.

Nabatid na pagawaan ng packaging materials ang nasunog na pabrika.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog matapos mabilis na kumalat ang apoy.

Inaalam pa ng BFP ang pagkakakilanlan ng nasawing lalaki.

Hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang nasunog.

TAGS: Gilvan Packaging Corporation, patay, sunog, valenzuela, Gilvan Packaging Corporation, patay, sunog, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.