P67 bilyong COVID fund imposibleng manakaw

Hindi kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na nina kaw ang P67 bilyong pondo na inilaan ng pamahalaan para tugunan ang pandemya sa COVID 19.

Pahayag ito ng Pangulo matapos punahin ng Commission on Audit ang DOH dahil sa hindi tamang paggaastos sa pondo.

Ayon sa Pangulo, kapag sinabi ng COA na mayroong deficiencies o kakulangan ang  DOH, hindi ito nangangahulugan na ninakaw o kinurakot na ang pondo.

Sa halip, sinabi ng Pangulo na maaring may kulang lamang na dokumento ang DOH na kailangang isumite sa COA.

“Kapag  mag-ano ang COA, magsabi lang ‘yan siya deficiency na mga gano’n-gano’n, hindi man sabihin na deficiency na ninakaw mo ‘yung pera. Deficiencies in — really in producing the necessary documents to complete the story. Imposible magnakaw ka ng 67.3,” pahayag ng Pangulo.

 

 

Read more...