Ikinatuwa ni Senator Leila de Lima ang pagsusumite sa US Senate na kumukondena sa pagpapakulong ng women rights defenders at journalists sa ibat-ibang bansa.
Nakasaad sa resolusyon ang panawagan din para sa pagpapalaya kay de Lima.
Nagpasalamat ito sa siyam na senador ng Amerika sa pangunguna ni Sen. Bob Menendrez sa kanilang paglaban sa kawalan ng hustisya at hindi pagsunod sa mga batas sa ibang bansa.
Nakasaad sa US Senate Resolution No. 342 ang pagpapalaya sa lahat ng babaeng political prisoners sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
“I am deeply humbled by your determined call for accountability from the US government to act with solidarity over the plight of politically persecuted women across the world, myself included,” sabi ng senadora.
Sa pagbanggit kay de Lima, sinabi sa resolusyon na hindi makatarungan ang patuloy na pagkakakakulong ng senadora dahil sa pagpuna sa extra-judicial killings bunga ng ‘war on drugs’ ng administrasyong-Duterte.