Base sa update mula kay Osmun Medical Dir. Dr. Edwin Dimatatac ang kanilang occupancy rate ay 115 porsiyento dahil may 237 silang pasyente para sa kanilang 206 bed-capacity.
Sa kanilang COVID 19 cases, may 106 silang pasyente para sa kanilang kapasidad na 103 para sa occupancy rate na 103 porsiyento.
Hanggang kagabui may 1,547 active COVID 19 cases sa lungsod, na 75.4 porsiyento na pagtaas mula sa 882 cases noong Agosto 7 o makalipas lamang ang isang linggo.
Sa nabanggit din na panahon, umakyat sa 16,548 COVID 19 cases ang naitatala na sa lungsod mula sa 15,483 cases.
Kabilang ang Muntinlupa City sa mga lungsod sa Metro Manila na nasa Level 4 category ng Department of Health.
Sa ngayon, may limang lugar na sa lungsod ang inilagay sa ‘hard lockdown’ base sa utos ni Mayor Jaime Fresnedi dahil sa mataas na kaso ng COVID 19.