Ospital ng Muntinlupa umaapaw na sa COVID 19 at non-COVID 19 cases

By Jan Escosio August 16, 2021 - 09:12 AM

Labis-labis na ang bilang ng mga pasyente sa Ospital ng Muntinlupa sa Barangay Alabang.

Base sa update mula kay Osmun Medical Dir. Dr. Edwin Dimatatac ang kanilang occupancy rate ay 115 porsiyento dahil may 237 silang pasyente para sa kanilang 206 bed-capacity.

Sa kanilang COVID 19 cases, may 106 silang pasyente para sa kanilang kapasidad na 103 para sa occupancy rate na 103 porsiyento.

Hanggang kagabui may 1,547 active COVID 19 cases sa lungsod, na 75.4 porsiyento na pagtaas mula sa 882 cases noong Agosto 7 o makalipas lamang ang isang linggo.

Sa nabanggit din na panahon, umakyat sa 16,548 COVID 19 cases ang naitatala na sa lungsod mula sa 15,483 cases.

Kabilang ang Muntinlupa City sa mga lungsod sa Metro Manila na nasa Level 4 category ng Department of Health.

Sa ngayon, may limang lugar na sa lungsod ang inilagay sa ‘hard lockdown’ base sa utos ni Mayor Jaime Fresnedi dahil sa mataas na kaso ng COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.