14,249 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pilipinas
Aabot sa 14,249 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.
Ito na ang ikalawang pinakamataas na bilang nang magsimula ang pandemya sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health, aabot sa 1.727 milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 30,000 na ang nasawi.
Nasa 98,847 ang aktibong kaso habang 1.598 milyon naman ang nakarekober.
Matatandaan na noong Abril 2, 2021, nakapagtala ang Pilipinas ng 15,310 na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.
Ito ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.