Paggamit ng administrasyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa pamumulitika, pinaiimbestigahan sa Comelec

By Erwin Aguilon April 28, 2016 - 02:15 PM

Kadamay
Kuha ni Erwin Aguilon

Inireklamo ngayon ng grupong Kadamay sa Commission on Elections na maimbestigahan ang paggamit ng administrasyon sa mga benepisyaryo ng Programang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program para ikampanya ang mga pambato ng Daang-Matuwid coalition.

Base sa dalawang pahinang liham ng grupo sa komisyon, inakusahan ng mga ito ang Department of Social Welfare and Development nang panggigipit sa mga benipisyaryo ng 4Ps kung hindi susundin ang mga kondisyon pabor sa kandidato ng Partido Liberal.

Ayon kay Kadamay Secretary Genera Carlito Badion, kabilang sa mga kapalit ng 4Ps ay ang pagboto sa tambalang Mar Roxas at Leni Robredo.

Kinuwestyon din ng grupo ang tunay na intensyon ng naging Unity walk o ang pagtitipon-tipon noong April 25 ng mga benepisyaryo ng 4Ps ng pamahalan sa Maynila at Quezon City.

Sinabi pa ni Badion na sa QC, mismong si DSWD Secretary Dinky Soliman ang nagpakita sa harap ng mga benepisyaryo na isa aniyang malaking patunay na may kamay ang administrasyon dito na dapat imbestigahan ng Comelec sa paniwalang nagagamit ang resources ng pamahalaan sa kampanya.

TAGS: 4Ps beneficiaries, 4Ps beneficiaries

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.