P3.3 milyong halaga ng mga makinaryang pangsaka ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Sultan Kudarat

 

Aabot sa P3.3 milyong halaga ng mga makinaryang pangsaka ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform sa mga magsasaka sa Brgy. Cadiz, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Mary Jane Aguilar, bahagi ito Italian Assistance to the Agrarian Reform Community Development Support Program (IARCDSP).

Kabilang sa mga ibinigay ng DAR ang P1.88 milyong halaga ng multi-purpose building at P2.2 milyong halaga ng makinarya.

Pawang mga miyembro ng Kalamansig para sa Kalikasan, Kaunlaran at Kalayaan (KPKKK) ang mga magsasaka na nabigyan ng ayuda.

 

 

Read more...