CHR nangangamba sa pag-aarmas ng mga bumbero

By Jan Escosio August 13, 2021 - 05:13 PM

Labis na nag-aalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na magiging daan para sa pag-aarmas ng mga bumbero.

Paliwanag ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, malinaw naman ang mandato ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay magligtas ng buhay at mag-apula ng sunog.

Aniya, ang ikinababahala nila ay sa halip na makatulong ay makasama pa ang naturang balakin.

“The CHR shares the concern of the proponents in ensuring the security of our firefighters. CHR also believes that firefighters deserve equal protection in the performance of their mandate. However, in extremely tense situations, such as fire in communities, bearing arms might cause more harm than good,” aniya.

Binanggit nito na hindi naiiwasan na sa tuwing may sunog ay nagpa-panic ang mga tao at pinipilit nila ang mga bumbero na protektahan ang kanilang bahay at aniya sa ganitong sitwasyon ay hindi magandang ideya na armado ang mga tauhan ng BFP.

Pagdidiin ni de Guia, mandato na ng PNP na protektahan ang komunidad at maari naman magpasaklolo ang mga bumbero sa mga pulis sa tuwing may insidente ng sunog.

Makakabuti aniya kung ang ipopondo sa pagbili ng mga baril ay ibili na lang ng mga firetruck at fire-fighting equipment.

Sa ngayon, hinihintay na lang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang panukalang isinulong ni Sen. Ronald dela Rosa.

TAGS: BFP, CHR, InquirerNews, JacquelineAnnDeGuia, RadyoInquirerNews, BFP, CHR, InquirerNews, JacquelineAnnDeGuia, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.