Bilang ng mga APOR na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, patuloy na nadaragdagan

By Angellic Jordan August 13, 2021 - 03:31 PM

Mahigit 580,000 na agad ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong August 12, nasa 67,231 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 12,187 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 50,608 sa MRT-3 habang 4,436 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 586,285 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang August 20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

TAGS: DOTrPH, FreeRideforAPOR, InquirerNews, LibrengPamasahe, RadyoInquirerOnline, DOTrPH, FreeRideforAPOR, InquirerNews, LibrengPamasahe, RadyoInquirerOnline

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.