Road repair activities sa EDSA, itutuloy sa weekend
Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road repair activities sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa papasok na weekend.
Ayon kay DPWH – NCR Director Eric Ayapana, isasagawa ang road rehabilitation works sa dalawang section ng EDSA sakop ang southbound direction mula sa Benin Street, ikatlong lane mula sa sidewalk sa Caloocan City; at northbound direction bago ang Ayala Tunnel, pangalawang lane mula sa sidewalk sa Makati City.
Binigyan ng clearance ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naturang aktibidad.
Magsisimula ito bandang 11:00, Biyernes ng gabi (August 13) at muling bubuksan sa 5:00, Lunes ng madaling-araw (August 16).
Dahil sa inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko, inabisuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.