Metro Manila LGUs, hiniritan na magbakuna ng taga-ibang lugar

QC LGU photo

Pakikiusapan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila na tanggapin at bakunahan maging ang hindi nila mamamayan.

Ito naman, ayon kay Abalos, ay kung naabot nila ang target ng bilang ng kanilang populasyon na dapat nang nabakunahan.

Ayon kay Abalos, nangako naman ang Metro Manila mayors sa isa’t isa na sila ay magtutulungan sa pagkasa ng vaccination program.

Sa kanyang plano, maari aniya dapat na magparehistro ang taga-ibang lungsod sa vaccination program ng ibang lungsod para siya ay mabakunahan na.

“Maski taga-ibang lugar ka, Metro Manila or probably even NCR-plus, magpa-schedule ka lang , we could accommodate you,” sabi ni Abalos.

Read more...