158 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19; Isa nasawi

Nasa 158 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (August 13), 32,077 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,841 ang aktibo pang kaso.

184 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 30,147 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 89 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...