Mga nagrereklamo sa overseas absentee voting, pinaghahain ng pormal na reklamo sa Comelec
Hinamon ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista na lumantad at maghain ng pormal na reklamo ang mga overseas absentee voters (OAV) na nagrereklamo na ibang pangalan ng kandidato ang lumabas na pangalan sa resibo sa mga ibinoto nila.
Ayon kay Bautista, ito ay para maaksyunan ng poll body ang reklamo.
Mahigt 180,000 aniya na ang bumoto sa OAV subalit mangilan-ngilan pa lamang ang nagreklamo na ibang pangalan ang lumabas sa vote counting machines (VCM).
Maaari rin umano kasing nagkamali ang botante sa pagmarka ng kanyang boto at mayroon umano talagang mga tao na nais guluhin ang eleksyon.
Aminado naman si Bautista na ilan lamang ito sa mga hamon na kakaharapin ng ahensya ngayong darating na eleksyon.
Viral ngayon sa social media ang mga reklamo ng ilang filipino na lumahok sa OAV na ibang pangalan ang lumabas sa resibo ng kanilang ibinoto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.