Pinsala sa bigas dahil sa El Niño mas mababa sa inaasahan
Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na mababa pa sa ngayon sa inaasahan nilang halaga ng pinsala sa bigas na idudulot ng El Niño.
Ayon kay Alcala, inaasahan nila na aabot sa 979,000 metric tons ng bigas ang maaapektuhan ng tagtuyot ngunit sa ngayon ay nakakapagtala pa lamang sila ng 233,000 metric tons.
Sinabi pa ng kalihim na base sa mga naipon nilang datos hanggang noong nakaraang Abril 16, ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng tagtuyot ay 8 bilyong piso.
Dagdag pa nito na ang pinakamatinding apektado sa ngayon ay ang Zamboanga at Cagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.