P3M halaga ng ‘sex drugs’ inipit sa kumot, sapatos buking sa PDEA

Inaresto ng mga ahente ng PDEA ang isang 52-anyos na babae sa Baguio City nang makuha sa kanyang pag-iingat ang higit P3 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy.

Kinilala ang naaresto na si Elisa Millare ng Barangay New Era, Quezon City.

Sa impormasyon mula kay PDEA Dir. Derrick Carreon, nabatid na ang 1,783 ecstasy tablets ay itinago sa pagitan ng mga kumot at sapatos na nakalagay sa kahon.

Ang kahon ay galing sa isang Fostina Obobo sa Neuss, Germany at nakapangalan sa isang Joyce Annsan Antonoof, ng Brisle Ridge Residences, Baguio City.

Sa loob ng kahon nadiskubre din sa ginawang bulsa mula sa duct tape ang LTO student permit at photocopy ID ng  isang Joyce Ann Jores San Antonio.

Read more...