Sen. Frank Drilon: Sinasabotahe ni Sec. Duque ang gov’t pandemic response
Diretsahan sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon na dahil sa kakulangan ng kakayahan ni Health Secretary Francisco Duque III ay siya na mismo ang sumasabotahe sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya sa COVID-19.
Kasunod ito nang pagbubunyag ng Commission on Audit (COA) ng kanilang obserbasyon na hindi maayos ang paggasta ng DOH ng P67.32 bilyong pondo para sa COVID-19 response.
Bunga nito, hiniling ni Drilon na maimbestigahan ng Senado ang paggamit ng pondo ng DOH sabay diin na nakakabahala at nakakaalarma ang obserbasyon ng COA.
Sabi niya may mga nauna nang pagdududa ng ‘overpricing’ sa pagbili ng personal proetective equipment (PPE) at test kits at ang mga alegasyon aniya ay hindi pa nalilinawan.
Samantala, nais din ni Sen. Grace Poe na maimbestigahan sa Senado ang mga obserbasyon ng COA.
Sinang-ayunan din niya ang posisyon ni Drilon na ang kakulangan ng kakayahan ng mga namumuno ay ang mga mamamayan ay nasasakripisyo.
Diin niya ang pondo ay inilaan para suportahan ang mga hakbangin ng DOH ngunit dahil hindi tamang paggamit ay mistulang napapagkaitan ang mamamayan ng tamang pangangalaga sa kanilang kalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.